‘Walk-In’ sa mga vaccination site, mahigpit na ipinagbabawal sa QC

Inihayag ng Quezon City (QC) government na walang walk-in na papayagang pumila sa mahigit 50 bakunahan sa Lungsod ng Quezon.

Ito ang mahigpit na paalala ng QC Local Government Unit (QC-LGU) sa gitna ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.

Ayon sa QC government, dumating sa takdang petsa ng iskedyul batay sa text mula sa QC Vax Easy para sa first dose, at sa nakasulat sa likod ng vaccination card para sa second dose.


Limitado anila ang supply ng bakuna at ito ay nakalaan na sa mga nauna nang nabigyan ng schedule.

Sa ngayon ay aabot na sa mahigit 1.5 million na residente na ang nababakunahan sa QC kung saan halos 600,000 dito ay nakakumpleto na ng kanilang second dose.

Facebook Comments