MANILA – Nakatakdang kasuhan ngayong araw ng kampo ni Retired General Wally Sombero ang dalawang deputy commissioners ng Bureau of Immigration na nangikil umano sa negosyanteng si Jack Lam.Ayon kay Sombero – inihahanda na nila ang kasong paglabag sa anti-corrupt and practices act laban sa mga sinibak na sina Atty. Al Argosino at Mike Robles dahil sa pagtanggap nila ng 50-milyong piso para palayain ang mga inarestong Chinese na ilegal na nagtatrabaho sa resort ni Lam sa Pampanga.Una nang sinabi ng dalawang opisyal na tinanggap nila ang pera para gawin itong ebidensya ng korapsyon sa B-I bagamat wala silang pinagsabihan ukol dito.Sinabi naman ni NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, may tamang paraan kung paano aaksyunan ang mga insidente ng panunuhol sa loob ng isang ahensya.Posible namang ipatawag ng NBI sa kanilang imbestigasyon ang mga opisyal na nadadawit.
Wally Sombero, Kakasuhan Na Ang Dalawang Immigration Officer Dahil Sa Isyu Ng Pangingikil
Facebook Comments