MANILA – Haharap na sa pagdinig ng senado kaugnay sa umano’y suhulan sa Bureau of Immigration ang sinasabing kinatawan ni gambling tycoon Jack Lam na si Wally Sombero.Ayon kay Sombero, nakikipag-ugnayan na siya sa kanyang abogadong si Atty. Ted Contacto para sa kaukulang seguridad niya sa pagharap sa senate investigation sa February 9.Nabatid na dalawang beses hindi nakadalo sa hearing si Sombero dahil nagpapagaling pa siya sa Singapore.Maliban sa kanyang problema sa kalusugan, ibinunyag din ni Sombero ang mga natatanggap nitong death threats, maging ang kanyang pamilya.Pinasaringan pa nito sina dating Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles at sinabing naaawa siya sa dalawa dahil sa paninindigan sa kanilang pagsisinungaling.Giit ni Sombero, siya ang nag-facilitate para makalikom ng 50 million pesos para kina Argosino at Robles bilang kapalit ng pagpapalaya sa mahigit 600 Chinese illegal workers sa casino ni Jack Lam.
Wally Sombero – Nakatakdang Humarap Sa Susunod Na Pagdinig Ng Senado Kaugnay Ng Suhulan Sa Bureau Of Immigration
Facebook Comments