Walo katao arestado dahil sa Cara y Cruz (HANTAK) sa Cotabato City

Arestado ng Cotabato City PNP ang walong indibidwal matapos maaktuhang nagsusugal ng Cara Y Cruz o naghahantak .

Sinasabing naaktuhan ng nagrorondang mga elemento ng Police Station 2 at RMFB 14 sa bahagi ng Virgo Subdivision, RH 9 pasado alas otso ng gabi noong June 16.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang mga naarestong sina Salam, 23 yo, single, jobless;. Zaldy, 27 yo, separated, jobless; Jerry, 32 yo, married, driver;. Ardee, 36 yo, married, jobless; Bhonever, 31 yo, married, jobless; Cyrus, 19 yo, single, construction worker; . Resty, 35 yo, married, driver; at . Duton, 25 yo, married, jobless, mga residente ng nabanggit na Baranggay.


Nakumpiska sa mga ito ang nasa P 1650 na sinasabing pusta at ang mga barya na ginagamit sa sugal.

Matatandaang bukod sa pagsusugal, mariin ring ipinagbabawal ang pag-umpukan o mass gathering kasabay pa rin ng banta ng Covid 19.

Samantala sa Datu Odin Sinsuat, kalaboso rin ang isang Jery Javier Deroma, 49 years old, residente Sitio Tenorio, Brgy Awang. Naaresto ito dahil sa paglabag sa RA 9827 o illegal gambling.

PIC: For Illustration only: CCTO
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments