2 wanted Person arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa Cotabato City at South Upi

Dalawa katao ang arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa Cotabato City at South Upi.
June 16 pasado alas 10:30 ng gabi ng maaresto ang isang wanted person sa Sitio Guila- Guila Brgy. Kuya South Upi, Maguindanao
Sa report mula PRO BAR, kinilala ang naaresto na si Mujimar Abdulrakman Adam, 41 sinasabing isang foreman ng DPWH, na may standing warrant of Arrest dahil kasong Murder. Nakumpiskahan ito ng Armalite Rifle at mga bala.
Samantala kahapon sa Cotabato City, arestado ng mga elemento ng Police Station # 3 ang isang Joel Sumael Bernabe 35 anyos residente ng Brgy Datu Balabaran. Sinabing may warrant of arrest ito dahil sa paglabag sa RA 9165 o illegal drugs.
Sa Datu Abdullah Sangki Maguindanao, patay sa papamaril ang isang Balukas Kubpa, residente ng Malatimon Ampatuan. Sa report mula PNP , patungo sa bahagi ng Guinibon ang biktima upang bumisita lamang sa kanyang mga kaanak ng biglang pagbabarilin ng di nakilalang salarin.
Nagatamo ng tama ng bala ng di natukoy na baril sa kanyang ulo ang biktima resulta ng kanyang kamatayan. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
PNP PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments