Mga Pinoy sa Israel, inalerto ng Philippine Embassy sa harap ng tensyon sa pagitan ng Israel at Lebanon

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Israel ang mga Pilipino doon sa harap ng tensyon sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanon.

Sa abiso ng embahada, pinaiiwas muna ang mga Pinoy na magtungo sa border ng Israel at Lebanon gayundin sa Gaza border.

Pinaiiwas din sila sa pwesto ng Israeli Security Forces at kapag nakarinig ng putok ng baril o ano mang kaguluhan ay agad na magtago o lumayo sa lugar.


Pinapayuhan din ang mga Pinoy na maging alerto habang naghihintay ng masasakyang pampublikong sasakyan at huwag didikit sa grupo ng commuters.

Kapag nakarinig naman ng tunog ng sirena ay agad na magtungo sa pinakamalapit na bomb shelter.

Facebook Comments