Walo, sugatan sa pananaksak ng isang lalaki sa Munich, Germany

World – Walo ang sugatan sa pag-atake isang lalaki sa Munich, Germany.

Sa report, bigla na lamang naglabas ng kutsilyo ang trenta’y tres (33) anyos na suspek at nanaksak.

Matapos ang tatlong oras, agad ding naaresto ang suspek.


Dati ng inereklamo ang suspek pananakit, pagnanakaw at pagkakasangkot sa iligal na droga.

Hinihinalang may sakit din sa pag-iisip ang suspek.

Inalis naman ng mga otoridad ang posibilidad na may kilaman sa terorismo ang nasabing pag-atake.

Facebook Comments