Walo, sugatan sa salpukan ng ambulansya at bus sa EDSA

65

Isinugod sa Mandaluyong City Medical Center ang walong katao matapos magbanggaan ang ambulansiya at bus sa southbound ng EDSA tunnel sa Mandaluyong City.

Ayon sa driver ng ambulansiya, meron siyang susunduing pasyente nang dumaan siya sa EDSA busway pero sinalubong siya ng bus kaya nagkasalpukan.


Sa lakas ng impact, tumaob ang ambulansya at wasak ang harapang bahagi ng bus.

Nagdulot ng matinding trapiko ang aksidente.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Traffic Chief Colonel Bong Nebrija, kasalanan ng driver ng ambulansiya dahil sinalubong nito ang southbound bus.

Facebook Comments