Walong Bagong Pulis, Nanumpa sa NAPOLCOM

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Walong Police Non-Commisioned Officers o PNCO’s ang nanumpa matapos ma-promote ng NAPOLCOM sa isinagawang Flag Raising Ceremony kaninang umaga na ginanap sa Police Regional Office Grandstand.

Pinangunahan ito ni PoIice Senior Supt. Petronelli M. Baldebrin ang paglalagay ng ranggo at panunumpa ng mga walong bagong pulis.

Ayon naman kay PRO2 Regional Director Police Chief Supt. Jose Mario. M. Espino, ang mga na promote ay para lamang umano sa mga PNP Uniformed personnel na pumasa sa kanilang NAPOLCOM Exam.


Iginawad naman kay Police Senior Inspector Benjamin Pagapa Jr. ang Medalya ng Kasanayan at kay PO2 Sharon Tanguilan dahil sa kanyang pagiging kampeon sa naganap na Regional Disturbance Management Competition.

Tinanggap naman ni PO2 Brylle M. Beronilla ang kanyang Medalya ng Papuri bilang kandidato sa naganap na Ms. PNP Ganda Pulis 2018 at maging ang anim pang mga pulis ng Police Regional Office 2.

Samantala, pinuri rin ang siyam na Valleycops sa rehiyon dahil sa kanilang debosyon sa trabaho at pagsisilbi sa taumbayan.

Facebook Comments