Walong bakuna kontra COVID-19, sumasailalim sa clinical trial; dalawang trial, kasalukuyan ding ginagawa ng DOST

Kinumpirma ni Dr. Nina Gloriani ng University of the Philippines (UP)-Manila College of Public Health na walong bakuna kontra COVID-19 ang sumasailalim ngayon sa clinical trials.

Ayon naman kay Dr. Jimmy Montoya ng Department of Science and Technology (DOST), sa ngayon ay may dalawang gamot sa COVID silang sinasailalim sa pag-aaral.

Ang isa rito ay community bases trial para sa mild symptoms lamang at ito ay ginagawa sa Laguna.


Ang pag-aaral naman aniya sa Virgin Coconut Oil (VCO) ay ginagawa ngayon sa Philippine General Hospital (PGH).

Paliwanag ni Dr. Montoya, may 17 pasyente na ang naka-enroll at inoobserbahan kung may improvement sila sa pag-take ng VCO para malabanan ang COVID-19.

Maliban dito, pinaghahandaan na rin ng Manila Doctors Hospital at ng tatlo pang ospital ang pagsisimula ng pag-aaral sa Melatonin.

Tinukoy din ni Dr. Montoya ang iba pang mga ospital na lalahok sa clinical trial para sa COVID-19 vaccine kabilang na ang:

– Philippine General Hospital (PGH)
– Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
– Manila Doctors Hospital
– San Lazaro Hospital at
– Vicente Sotto Medical Center

Inihayag naman ni Dr. Gloriani na patuloy din na tinututukan ng kanilang panel ang vaccine trials na ginagawa sa iba’t ibang mga bansa tulad ng US, China, India at UK na may pinag-aaralan na Oxford vaccine.

Facebook Comments