Monday, March 16, 2026

WALONG BARANGAY SA SAN CARLOS CITY, IDINEKLARANG DRUG-CLEARED

Idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency ang walong barangay sa San Carlos City bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagpapatupad ng mga hakbang laban sa ilegal na droga.

Kasabay nito, kinilala rin ang 70 barangay sa lungsod na napanatili ang kanilang drug-cleared status sa pamamagitan ng paggawad ng mga resolusyon at sertipiko.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagkilalang ito ay bunga ng patuloy na pagtutulungan ng mga barangay officials, law enforcement agencies, at komunidad sa pagpapatupad ng mga programa kontra ilegal na droga.

Hinimok din ng pamahalaang lungsod ang patuloy na pagkakaisa ng pamahalaan at komunidad upang mapanatiling ligtas ang mga barangay at maiwasan ang muling pag-usbong ng problema sa ilegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments