Manila, Philippines – Nasa walong bayan na ang naideklarang Drug Free Municipalities sa lalawigan ng Capiz.
Pinakahuling nagdeklara ang bayan ng Jamindan matapos nag-convene ang kanilang municipal anti-drug abuse council sa pagngunguna ni Mayor Macarthur Valdemar, Municipal DILG at Jamindan PNP.
Samantala, naideklara ring drug free municipality ang bayan ng Tapaz pagkatapos ng naging assessment ng kanilang municipal anti-drug abuse council.
Matatandaan na una nang naideklara na drug free municipalities ang mga bayan ng Mambusao, Sapian, Dumarao, Dumalag, Dao at Cuartero.
Ang lalawigan ng Capiz ay may 16 na bayan at isang lungsod (ang Roxas city).
Sa ngayon nagpapatuloy parin ang Anti-Illegal Drug Campaign ng PNP sa iba pang bayan at inaasahan na sa susunod na buwan madadagdagan ang bilang ng mga drug free municipality sa buong lalawigan.