Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Bayambang ng mass screening sa mga empleyado nito bilang kagustuhan na makapagbigay ng malinis at magandang serbisyo publiko.
Sa pamamagitan nito ay sinisiguro ng lokal na pamahalaan na ang mga humaharap sa mga kababayan ay walang dalang virus.
Sa pagsasagawa nito, tumaas ang aktibong kaso at umabot sa walo dito ay empleyado ng munisipyo. Ang mga ito ay dumaan sa swab test noong nakaraang linggo na halos lahat ng mga nagpositibong empleyado ay asymptomatic.
Tuloy din ang ginagawang pagtest gamit ang antigen test sa mga empleyado at kapag nagpositibo ito ay agad na naisolate sa isolation facilities upang maidaan sa confirmatory RT PCR test.
Ipinaalala naman ni Dra. Paz Vallo, Municipal Health Officer ng Bayambang na walang dapat ikabahala ang publiko dahil sa maagang naisolate ang mga ito.
Sinisiguro naman ng lokal na pamahalaan na ligtas ang mga ito na sa katunayan ay binibigyan ang mga nasa isolation ng sapat na pagkain at vitamins.