Walong focus crime na naitatala araw-araw, nanatiling mababa ngayong may pandemya ayon sa JTF COVID Shield

Mababa pa rin ang mga krimen na naitatala ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield sa bansa.

Ito’y mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa COVID 19 pandemic.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, mula March 17 hanggang September 16, 2020, nakapagtala ang bansa ng 16,879 na krimen.


Mababa ito ng 14,782 o 47% kumpara sa nakalipas na anim na buwan mula Setyembre 15 ng nakaraang taon hanggang March 16, 2020 na umabot ng 31,661 kung saan wala pang ipinatutupad na lockdown.

Batay pa sa datos ng JTF COVID Shield, lumalabas na kada araw ay may 92 krimen na naitatala sa Pilipinas, malayo sa dating 172 na krimen sa isang araw.

Ang walong focus crime na ito ay ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng motorcycle at carnapping ng motor vehicle.

Facebook Comments