Walong kalalakihan na nagtutupada, arestado sa Taytay, Rizal

44

Inaresto ng mga tauhan ng Intelligence Team ng Taytay Municipal Police Station ang walong kalalakihan dahil sa ilegal na sabungan o tupada sa Damayan Floodway, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.

Ayon kay Taytay Public Information Office Archieval Portugal, sa kabila ng ipinaiiral na General Community Quarantine (GCQ) sa lugar dahil sa COVID-19 pandemic, walang tigil pa rin na nagsasabong ang walong kalalakihan sa Barangay San Juan.


Nakumpiska sa mga ito ang dalawang manok at ₱2,600 na hinihinalang ginamit bilang pantaya sa sabong.

Nahaharap ang walo sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Gambling o Presidential Decree 1602.

Facebook Comments