Walong lalaking nilusob at binalak na okupahin ang isang lote sa Quezon City, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang walong lalaki matapos nilang lusubin at balaking okupahin ang isang lote sa Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, inupahan umano ang grupo para makontrol ang lote sa barangay Tatalon, sa lungsod ng Quezon.

Manila, Philippines – Itinali pa ng mga suspek ang caretaker ng lote at mga kasamahan nito saka isinakay sa isang van.


Kaagad namang nailigtas ang mga biktima ng mga pulis na agad na rumesponde matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa isang residente.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang armas na walang lisensya.

Nahaharap na ngayon ang mga nadakip sa patong-patong na reklamo.

Facebook Comments