Bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang posibleng ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na Linggo.

Inaasahang nasa P0.90 hanggang P1.00 ang tapyas sa kada-litro ng gasolina habang nasa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang kaltas sa kada-litro ng diesel

May rollback din na P0.90 hanggang P1.00 sa presyo ng bawat litro ng kerosene o gaas.


Matatandaang tatlong sunod-sunod nang linggo ang pagpapatupad ng oil price hike ng mga kumpanya ng langis bunsod ng paggalaw ng halaga ng produktong petrolyo sa world market.

Tulad ng inaasahan ay posibleng sa araw ng Martes ipatupad ang tapyas-presyo sa petrolyo.
DZXL558

Facebook Comments