Manila, Philippines – Arestadoang walong kalalakihan matapos sapilitang okopahin ang isang lote sa QuezonAvenue, Quezon City.
Kinilala ang mga suspekna sina hernany esperas, elmer magdaraog, rosendo de vera, rocky bautista,orbito servitilyo, rc reyesw, joel habagat at danilo buenaventura.
Nakuha sa mga suspek angdalawang shot gun, dalawang calibre 45, isang 9mm at isang patalim.
Ayon kay QCPD SirectorPssupt Guillermo Eleazar, isang concerned citizen ang nagsumbong sa pag-aangkinng mga suspek sa isang lote.
Naabutan naman ng mgapulis ang limang lalaking biktima na nasa loob ng putting van.
Ayon sa mga biktima,dumating ang mga suspek at bigla silang tinutukan ng baril, kinaladkad,pinadapa sa sahig, itinali ang kanilang mga kamay saka isinakay sa van na mayplakang a-b-l 7-3-8-1.
Depensa naman ng isasa mga suspek na si Buenaventura, binayaran sila ng P 60,000 ng isanggreg para okopahin ang lugar at kumuha ng mga lalaki.
Hindi rin anila sakanila ang mga baril dahil ibinigay lang ito ng nautos sa kanila.
Paliwanag naman ni Eleazar,marami na silang natatanggap na reklamo hinggil sa pag-aankin ng iba’t-ibangtao sa iisang lote.
Dahil dito, nahaharap sakasong trespass to dwelling, grave threat, illegal detention at illegalposession of firearms and ammuniton ang mga suspek.
Walong lalaking sapilitang omokopa sa isang lote sa Quezon City, arestado
Facebook Comments