Kinumpirma ni Tala Hospital Director Dr. Alfonso Famaran na mayroong walong menor de edad na tinamaan ng COVID-19 ang ginagamot ngayon sa kanilang pagamutan.
Ayon kay Dr. Famaran, ilan sa mga pasyenteng ito ay atrasado na nang nagpatingin kung kaya’t nag-develop na ang kanilang komplikasyon sa COVID.
Tumanggi naman si Famaran na banggitin kung may sanggol sa mga pedatric patient na
tinamaan ng COVID-19.
Mayroong mahigit limandaang hospital beds para sa COVID cases sa Tala Hospital at halos kalahati nito ay okupado na.
Facebook Comments