Walong Pilipinong scientist ang nakapasok sa listahan ng “most outstanding researchers” ng Asian Scientist Magazine.
Ayon sa Singapore-Based Magazine, tampok sa listahan ang tagumpay ng mga mahuhusay at magagaling na scientists.
Para makilala ng Asian 100 Scientists List, ang honouree ay kailangang nakatanggap ng national o international prize para sa kanyang research.
Mayroon din dapat siyang malaking scientific discovery o nagbigay ng leadership sa academia o industriya.
Narito ang mga Pilipinong Scientists na pumasok sa listahan:
- Dr. Annabelle Briones ng Department of Science and Technology – Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) – ginawaran ng 2020 Gregorio Y. Zara Award for Applied Science Researh dahil sa pagdisensyo ng mosquito ovicidal/larvicidal trap na layong mabawasan ang dengue fever incidence sa bansa.
- Francis Aldrine Uy ng Mapua University – nakatanggap ng 2020 David M. Consunji Award for Engineering Researh para sa kanyang engineering at innovation projects, kabilang ang isang sensor na nagmo-monitor ng structural integrity ng mga gusali.
- Desiree Hautea ng University of the Philippines Los Baños – ginawaran ng 2020 Lead Agriculture Award ng Philippine Association for the Advancement of Science and Technology para sa kanyang research kaugnay sa genetically modified Bt eggplant sa Pilipinas.
- Sandra Teresa Navarra ng University of Santo Tomas Hospital – nakakuha ng Dr. Paulo C. Campos Award for Health Research ng Philippine Association para sa Advancement ng Science and Technology para sa kanilang research kaugnay sa lupus.
- Salvacion Gatchalian ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) – kabilang sa mga frontline doctors na namatay sa COVID-19 noong nakaraang taon. Ginawaran siya ng Dr. Lourdes Espiritu Campos Award for Public Health para sa kanyang adbokasiya sa tobacco control at pagbabakuna ng mga bata
- Kathleen Aviso ng De La Salle University – nakakuha ng 2020 Dr. Michael Purvis Award for Sustainability Research para sa kanyang mahahalagang kontribusyon sa environmental systems engineering at developing novel optimization models.
- Edgardo Vasquez ng Vazbuild Technology – nakatanggap ng 2020 Ceferino Follosco Award for Product and Process Innovation. Nakilala siya sa mga matitibay na modular housing.
- Jonel Saludes ng University of San Augustin – awardee ng 2020 Gregorio Y. Zara Award for Basic Science Research para sa kanyang pananaliksik sa chemical biology ng natural products mula sa organisms.
Facebook Comments