Walong Pinoy na galing China, nagpositibo sa COVID-19 antigen test sa NAIA ayon sa DOH

Nagpositibo sa COVID-19 antigen test sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula December 27, 2022 hanggang January 2, 2023, ang walong Pilipinong hindi bakunado galing sa China.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH), base sa pinakahuling ulat ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Ayon sa DOH, nakumpirmang positibo sa virus ang mga pasahero sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing noong Dec. 31, 2022, at kasalukuyang sumasailalim na sa isolation.


Samantala, sinabi naman ng DOH na wala pang namo-monitor at naitatalang kaso ng XBB 1.5 subvariant ng COVID-19 sa bansa.

Ang nasabing subvariant ay kahalintulad sa Omicron kung saan naitala na ito sa ibang bansa, partikular sa Amerika at sa South Korea.

Facebook Comments