DICT, tutulong na rin sa CAAP para mapabilis ang pag-upgrade ng air tower equipment

Tutulong na rin si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy para mapabilis ang pagbili ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng technical equipment.

Layon nito na hindi na maulit pa ang aberya sa air traffic system ng CAAP.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, mismong si Secretary Uy ang nag-alok ng tulong para mapabilis ang pag-upgrade sa mga kagamitan ng CAAP.


Samantala, isinantabi ng CAAP ang anggulong may nangyaring cybercrime sa naganap na technical glitch.

Ito ay lalo na’t ang electrical equipment ay hindi naman maaring mamanipula sa compound ng CAAP.

Facebook Comments