Manila, Philippines – Walong pulitiko sa Central Luzon ang tinututukan ngayon ng Phil. National Police na kabilang sa listahan ng narcopolitics ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang prescon sa camp olivas sa pampanga sinabi ni PNP Chief Ronald Bato dela Rosa ang walong pulitikong ito ay limang alkalde, 2 kongresista at isang bise gobernador.
Sa ngayon on going aniya ang validation kung totong sangkot sa iligal na droga ang walong pulitiko na ito .
Iniwas naman ni PNP Chief si Police Chief Insp Jovie Espenido na maitalaga sa Central Luzon para magsagawa ng drug operation.
Aniya hayaan na muna si Espenido sa Iloilo dahil opisyal naman daw ng PNP Central Luzon ang PNP Provincial Director ng Bulacan na si Sr. Supt Romeo Caramat na magaling sa mga drug operation.