Walong Quarantine Controlled Points sa mga hangganan ng Metro Manila, pinagana na ng NCRPO

Pinatutukan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang walong Quarantine Controlled Points (QCP) sa unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble.

Ayon kay NCRPO Director Pol. Maj. Gen. Vicente Danao Jr., ito’y bilang pagtalima sa direktiba ng gobyerno na mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa NCR at karatig na mga lalawigan nito.

Ayon kay Danao, makikita ang mga QCP’s sa mga sumusunod:


Mga tollgate ng Susana Heights at Filinvest sa Alabang; Nichols at Sucat tollgate sa Parañaque; Bicutan tollgate sa Taguig; Skyway entry sa Makati at Balon Bato gayundin sa Balintawak sa Quezon City

Dagdag ni Danao, bukod dito, may 929 law enforcement checkpoint pang nakalatag na tinatauhan ng may 7,876 na nakatutok naman sa laban kontra krimen, terrorismo at dragnet operations.

Facebook Comments