San Carlos City, Pangasinan – Namamalagi ngayon pansamantala sa isolation facility na inihanda ng pamahalaang panlungsod ng San Carlos ang walong kababayan na sinundo mula sa boundary ng Rosales-Tarlac na dalawampung araw umanong namalagi doon. Ang pagsundo umano sa mga ito ay isang humanitarian reason.. Bago sinundo ng LGU ang mga ito ay dumaan sila sa throat swabbing na pinangunahan ng Provincial Health Office na habang hinihintay ang resulta ay nasa isolation muna sila.
Saka lamang umano makakauwi ang mga ito sa kani kanilang tahanan kung nagnegatibo ang resulta. Habang sila umano ay nasa isolation facility ay regular silang titignan ng kawani ng City Health Office at patuloy din ang disinfection upang masiguro na sumusunod sila sa ECQ guidelines. Ibibigay din umano ang pangunahin nilang pangangailangan tulad na lamang ng pagkain tubig at iba pa. Samantala ay isa pang naiwang isa pa kailangan tapusin ang 14 day quarantine at dadaan sa mga medical procedures bago payagang masundo.