Walong volcanic quakes, naitala sa Taal Volcano

Nakapagtala ang Taal Volcano ng walong volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dalawa rito ay low-frequency volcanic earthquakes; apat na volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto at isang low-level background tremor.

Nagbubuga rin kada araw ng 4,149 na tonelada ng sulfur dioxide o gas emissions ang bulkan.


Umabot naman sa 1,200 metro ang itinaas ng ibinugang steam plumes nito.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal dahil sa ipinapakita nitong aktibidad.

Facebook Comments