Inanunsyo na ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I ang mga sasabak sa eksaminasyon sa paparating na Licensure Examination for Pharmacists sa ngayong Abril.
Base sa Press Release No. 2023-10 na sa April 10-11, 2023 ang nakatakdang araw ng eksaminasyon ng walumpung (80) examinees na kukuha ng LEP o ang Licensure Examination for Pharmacists kung saan gaganapin ito sa Carmay Elementary School, sa bayan ng Rosales.
Paalala ng Examination Body, sa panahon ng eksaminasyon, inaatasan ang mga examinees na dalhin ang kanilang Notice of Admission (NOA), mga lapis (No. 2), ball pens (itim na tinta lamang), 1 pirasong long envelope , 1 pirasong mahabang transparent (hindi kulay) na plastik envelope, duly accomplished health forms, vaccination card, merienda, packed lunch at tubig.
Mahigpit ding ipinapaalala ng ahensya na basahing maigi ang mga rules at guidelines sa Examination upang hindi magkamali o malito sa gagawin sa araw ng exam.
Para sa karagdagang mga alalahanin at katanungan, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa ro1.examination@prc.gov.ph. |ifmnews
Facebook Comments