Wanted, arestado sa bayan ng New Washington

New Washington, Aklan – Arestado ang isang wanted kahapon ng hapon sa Brgy. Jugas, New Washington, Aklan. Ang akusado ay nakilalang si Reynante Almanon, 40-anyos at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si Almanon ng pinagsanib pwersa ng New Washington PNP, Aklan PPO Tracker’s team at CIDG-Aklan sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 2036-A sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Slight Physical Injury and Damage to Property na inisyu ni Hon. Judge Alicia A. Cruz Barrios ng MTC Kalibo at may petsang May 28, 2020.
Php 30,000.00 pesos ang itinakda ng korte na pyansa para sa kanyang pansamantalang kalyaan.
Kung matandaan, nabangga ni Almanon habang sakay ng motorsiklo ang isang gwardya na papasok sa kanyang duty noong nakaraang Disyembre sa may Kalibo International Airport.
Si Almanon ay itinurn-over naman sa korte.

Facebook Comments