Wanted, arestado sa Valenzuela City

30

Valenzuela City – Naaresto na ng mga awtoridad ang isang wanted sa Valenzuela City.

Kinilala ang suspek na si Jessie Turalba, 20-anyos at residente ng Mahabang Parang Street Barangay Bignay.

Dinakip si Turalba sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Honorable Judge Evangeline Francisco ng Valenzuela Regional Tiral Court Branch 270 dahil sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law.

Facebook Comments