Wednesday, March 18, 2026

Wanted foreign national na may kasong estafa, naaresto ng PNP-HPG

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang wanted foreign national sa isinagawang operasyon sa Barangay Anunas, Angeles City, Pampanga.

Ang suspek ay 55 taong gulang at kasalukuyang nakatira sa nasabing lugar.

Naging posible ang pagkakaaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong estafa na may inirekomendang piyansa na P36,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant mula sa nag-isyu ng korte.

Facebook Comments