MOU signing sa pagitan ng Pasig City Government at Cagayan Valley Regional DRRMC Region 2, lalagdaan

Naniniwala ang pamunuan ng Pasig City Government na malaki ang maitutulong ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Region 2 sakaling magkaroon ng hindi inaasahang disaster gaya ng “The Big One”.

Lalagdaan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pasig City Government at Cagayan Valley RDRRMC.

Magkakaroon ng tatlong araw na aktibidad kung saan ang Region 2 ay itatalaga upang umagapay sa East Quadrant, ang Pasig at Marikina sakaling dumating ang hindi inaasahang major disaster gaya ng “The Big One”.


Ngayon ay magsisimula ang unang araw na aktibidad kung saan magkaroon ng, MOU Signing at Walk the Fault sa Barangay Ugong at Barangay Bg. Ilog, sa pangalawang araw naman, February 11, magkakaroon ng tinatawag na Familiarization at  Static Display ng  Pasig City DRRMO Equipment sa Red Training Center at ang panghuling araw sa February 12 magkakaroon na ng Awarding of Certificate of Recognition at  Closing Ceremony ng naturang aktibidad  na gaganapon sa C3 Conference Room kung saan inaasahang sasaksihan ang gagawing MOU Signing ng Metro Manila DRRMC Chairman, DILG NCR Director, Usec. Solidum, OCD NCR Director, at Pasig City DRRMC.

Facebook Comments