Wanted na Mangingisda, Arestado!

55

*Dinapigue, Isabela- *Nasa kamay na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 6 Most Wanted Person sa bayan ng Dinapigue, Isabela.

Kinilala ang akusado na si* J*immy Pagulayan, 31 anyos, may-asawa, tubong Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela at naninirahan sa Brgy. Digumased, Dinapigue, Isabela.


Nadakip si Pagulayan pasado alas sais kaninang umaga sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng 6th MCTC Benito Soliven-San Mariano, San Mariano, Isabela dahil sa kaso nitong Pagnanakaw.

Dinala sa Benito Soliven Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago iturn-over sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapag piyansa ng halagang P12,000.00.

Facebook Comments

From Advertisers