Monday, February 2, 2026

WANTED NA MIYEMBRO NG TAROG DRUG GROUP, NAARESTO SA SAN JACINTO

Isang wanted person na itinuturing na natitirang miyembro ng Tarog Drug Group na nag-ooperate sa lalawigan ng Sorsogon ang naaresto bandang alas-sais ng gabi noong Pebrero 1, 2026 sa San Jacinto, Pangasinan.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan mula sa Region 1 katuwang ang PDEU Sorsogon, PPO RIU5 PIT-Sorsogon.

Ang naarestong suspek ay isang 41-anyos na lalaki, nagtatrabaho bilang construction worker, at tubong Bulan, Sorsogon. Siya ay iniuugnay bilang natitirang miyembro ng Tarog Drug Group na sangkot sa ilegal na droga sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek kaugnay ng paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may rekomendasyong walang piyansa, at isa pang kaso na may inilaang piyansang nagkakahalaga ng ₱200,000.00.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng San Jacinto Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at susunod na proseso ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments