Wanted na Taiwanese na sangkot sa illegal na droga, arestado ng BI

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Taiwanese national na sangkot sa iligal na droga.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Lee Chun Hsien, 49 y/old, at naaresto sa kanyang tinitirahan sa General Mariano, Cavite City.

Si Lee ay inaresto sa pamamagitan narin ng hiling ng Taipei Cultural Economic Office.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng BI, nagtatago sa Pilipinas si Lee sa loob ng walong taon at ito ay isang overstaying alien.

Sinabi naman ni Atty. Antonette Mangrobang, tagapagsalita ng BI, maituturing nang undocumented alien si Lee dahil kinansela na ng Taiwanese government ang kanyang pasaporte.

Inaasahan namang magpapalabas ang Board of Commissioners ng summary deportation order laban kay Lee ngayong Linggo.

Facebook Comments