WANTED PERSON, ARESTADO SA BAYAN NG SAN PABLO

CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas ang isang lalaki matapos maaresto ng mga otoridad sa Brgy. Binguang, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Allan”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Naaresto si alyas “Allan” sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition kung saan P100,000 ang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng San Pablo PS para kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments