Friday, January 16, 2026

WANTED PERSON, NAARESTO SA PAOAY, ILOCOS NORTE

Isang Other Wanted Person (OWP) ang naaresto ng mga awtoridad bandang 11:30 ng gabi, kahapon sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga tauhan ng Dingras Municipal Police Station (MPS) matapos matunton ang kinaroroonan ng akusado.

Ang naarestong indibidwal ay isang 35-anyos na magsasaka, at residente ng San Jose del Monte, Bulacan.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) kaugnay ng kasong Robbery, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱100,000.00.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng Dingras MPS para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda sa pagharap nito sa hukuman. Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Facebook Comments