WANTED PERSON, NASAKOTE SA IFUGAO

CAUAYAN CITY- Napasakamay ng mga otoridad ang isang wanted person sa bayan ng Lagawe, probinsya ng Ifugao.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Bonjing”, nasa wastong edad, at residente ng nasabing lalawigan.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 8282 (Social Security Act of 1997) na may inirekomendang piyansa na PhP24,000 na inihain noong ika-3 ng Abril 2002 sa Bayombong Nueva Vizcaya.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Lagawe Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Lagawe kasama ang PIU, 1st PMFC ng Ifugao PPO at RIU-14.

Facebook Comments