Wanted sa Kasong Bigong Pagpatay, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Nasa pangangalaga na ng PNP San Mateo, Isabela ang itinuturing na Top 4 Most Wanted Person sa Municipal level.

Ang akusado na si Rengto Dizo, alyas “Padi”, 30 taong gulang, may-asawa na residente ng Brgy. 3, San Mateo ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Paul Ramil Atolba Jr. ng RTC Branch 27, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Si Dizo ay nahaharap sa kasong Frustrated murder o bigong pagpatay kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Facebook Comments