Wanted sa Kasong Bigong Pagpatay, Arestado!

65

*Echague, Isabela- *Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang itinuturing na Top 10 Most Wanted Person sa bayan ng Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jeff Marayag, 46 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Pag Asa, Echague, Isabela.


Hinuli si Marayag sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong Frustrated Murder.

Dinala na sa Echague Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Makakalaya lamang pansamantala si Marayag kung makakapagpiyansa ng halagang P200,000.00.

Facebook Comments

From Advertisers