
Naaresto ng mga awtoridad ang isang 51 anyos na lalaki na wanted sa kasong frustrated murder matapos pagsilbihan ng warrant of arrest sa San Jacinto Municipal Police Station.
Kinilala ang akusado bilang isang construction worker, tubong Dagupan City at kasalukuyang residente ng Mangaldan.
Ayon sa ulat, isinilbi ng mga tauhan ng San Jacinto Municipal Police Station ang electronic warrant of arrest laban sa suspek kaugnay ng kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱200,000.00.
Matapos ang pag-aresto, agad dinala ang akusado sa kustodiya ng San Jacinto MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Patuloy ang paalala ng kapulisan sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapabilis ang paghahanap at pagdakip sa mga taong may kinakaharap na kaso sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










