Wanted sa Kasong Pagpatay sa Cabagan Isabela, Timbog Na!

Cabagan, Isabela- Hawak na ng pulisya ang isang wanted na lalaki sa Barangay Magassi, Cabagan, Isabela matapos maaresto kahapon pasado alas otso ng umaga.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, ang suspek ay si Francisco Palogan, 44 taong gulang, byudo, isang caretaker at residente ng naturang lugar.

Inaresto ng PNP Cabagan si Palogan sa pamamagitan ng mandamiento de aresto na inilabas ni Hukom Felipe Jesus Torio II ng Regional Trial Court Branch 22 ng Cabagan, Isabela, sa kasong pagpatay na may piyansang isang daan at dalawampu’t daang libong piso.


Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek sa para sa kanyang kaukulang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments