Pagadian – Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang 41-anyos na wanted sa kasong rape.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Benjamin Lanzaderaz ng RTC Branch 22, 9th Judicial Region sa siyudad ng Pagadian, Zamboanga del Sur.
Inaresto ng elemento ng Pagadian City Police Station ang suspek na nagngangalang Noel Mahusay, residente ng Lison Valley sa nasabi ding siyudad.
Ang suspek ay nasa kostudiya na ngayon ng Pagadian City Police Station lock-up cell at walang inirekomendang pyansa para sa pansamantala nitong paglaya.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments