Wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical injury, arestado

14

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga taga Altavas PNP ang isang lalaking wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical injury kagabi sa Sebaste, Antique.
Kinilala ang akusado na si Carlito Serrano, 60-anyos at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si Serrano sa pamamagitan ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No.15853, na inisyu ni Hon.Bienbenido P.Barrios Jr., Presiding Judge RTC Branch 3, 6th Judicial Region, Kalibo, Aklan na may petsang September 20, 2021.
Itinakda ng korte ang pyansang Php 6,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matandaan na nangyari ang insidente matapos na mabangga ni Serrano ang 7 taong gulang na bata na tatawid sana sa national highway ng Brgy. Man-up, Altavas habang minamaneho nito ang Nisaan Urban noong nakaraang Marso 27, 2021.

Facebook Comments