WANTED SUSPECT SA KASONG RAPE, ARESTADO SA ALAMINOS CITY

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki na wanted sa kasong rape sa isinagawang operasyon ng Alaminos City Police Station katuwang ang Regional Intelligence Division ng PRO1 noong Nobyembre 1, 2025, bandang 6:25 ng gabi.

Ang suspek, na isang may asawa, walang trabaho, at residente ng Alaminos City, ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte para sa kasong rape, na walang piyansa.

Matapos ang matagumpay na operasyon, dinala ang suspek sa Alaminos City Police Station para sa tamang dokumentasyon at karampatang disposisyon.

Ayon sa pulisya, ang pagkakaaresto ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PRO1 at Alaminos CPS laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments