War against illegal drugs, paiigtingin pa

Manila, Philippines – Tiniyak ng palasyo ng Malacañang na paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng war against illegal drugs at ang paglaban sa katiwalian sa gobyerno.
Ito ang sinabi ng palasyo sa kabila ng pagbulusok ng ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi magiging balakid sa administrasyon ang mababang rating ng Pangulo dahil desidido ito na durugin ang apparatus ng iligal na droga at katiwalian.
Una nang sinabi ng palasyo na hindi ang popularidad ang habol ng pangulo sa pagtatrabaho dahil ang target ng pangulo ay bigyan ng maginhawang buhay ang mga Pilipino.

Facebook Comments