Hinihimok ngayon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang kanyang mga kababayan na makiisa sa kanilang kampaya kontra Polio.
Katuwang ng Provincial Government ang IPHO Maguindanao.
Simula ngayong araw ay mag-iikot ang mga health workers sa lahat ng mga baranggay ng 36 na bayan ng lalawigan para isagawa ang libreng pagbabakuna para sa mga batang nagkakaedad 5 taong gulang pababa.
Napakahalaga aniya ang kampanyang ito para na rin makaiwas sa sakit na polio ang mga taga Maguindanao ayon pa kay Governor Bai Mariam.
Hanggang sa araw sa December 7 ang round one ng vaccination habang sa January 6 –January 18 naman ang round 2.
Matatandaang naitala sa lalawigan ng Maguindanao ang 2 pinakabagong kaso ng Polio ngayong taon.
Nauna naring nailunsad sa lalawigan ang war against polio na pinangunahan ng Gobernadora kasama ang mga local officials at IPHO.
War Against Polio inilunsad sa Maguindanao
Facebook Comments