War games ng China sa South China Sea, ikinabahala ng DFA at DND

Ikinaalarma ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ang pagsasagawa ng China ng war games sa South China Sea.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang ginagawa ng China ay lalong magpapalala ng tension sa South China Sea.

Aniya, wala namang problema sa war exercises basta ito ay gawin sa sariling bansa at hindi sa pinag-aagawang teritoryo.


Sa panig naman ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na noon pang June 27, 2020 ay nagpaalam na ang China na magsagawa ng military exercises sa pangunguna ng Chinese People’s Liberation Army sa South China Sea.

Dapat lang aniya na sundin ng China ang tamang lugar na napag-usapan at hindi na sila lumagpas pa sa lugar.

Facebook Comments