War on drugs at internal cleansing, paiigtingin ng PNP

Tiniyak ng bagong liderato ng Philippine National Police (PNP) na tututukan ang kampanya kontra ilegal na droga at paglilinis sa kanilang hanay.

Ayon kay PNP Chief, P/Gen. Archie Gamboa – maraming naging direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya pero kung susumahin aniya ito ay nakatutok sa problema sa ilegal na droga at internal cleansing.

Bukod dito, natapos na rin ang evaluation ng mga opisyal ng PNP at pag-aaralan ito ni Gamboa upang malaman kung kakailanganin pang magkaroon ng rigodon o balasahan.


Nasa higit 20 opisyal – na pawang mga heneral ang naapektuhan nito.

Nais din ni Gamboa – na maging participative ang kanyang pamumuno sa PNP.

Samantala, awtomatikong tataas ang posisyon ni Police Lt/Gen. Camilo Cascolan bilang Deputy Chief for Administration at Police Lt/Gen. Guillermo Eleazar bilang deputy chief for operations.

Facebook Comments