Manila, Philippines – Gagamit nang bagong management policy o taktika ang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) na si Police Senior Supt. Albert Ignatius Ferro.
Sa isang panayam sinabi ni Ferro na gagamit siya ng anim na Ws sa muling pagsasagawa ng mga anti-illegal drugs operation.
Unang tatlong Ws aniya ay ang “What, When, Well,” ibig sabihin nito pag-aaralan nilang ang naging magandang performance ng PNP sa pagsasagawa ng war on drugs nitong mga nakalipas na taon.
Kung kinakailangan aniyang gumagamit ng body camera para mas maging epektibo ang kanilang kampanya ay gagawin nila ito.
Habang ang tatlong pang W’s ay “What Went Wrong,” aalamin aniya nila kung may mga police scalawags pang kasama sa war on drugs para mas mapa-igting ang kampanya kontral iligal na droga.
Sa huli, iginiit ni Ferro na isang professional unit ang PDEG na sumusunod lamang sa batas.
Kung mayroon man aniyang pagkakamali sa mga nakalipas na mga taon sa war on drugs hindi nila ito binabalewala at ginagawan nilang ng aksyon.
Nagpasalamat naman si Ferro sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng liderato ng PNP para muling pamunuan ng anti durg campaign ng PNP
Si Ferro ay dating pinuno ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).