Manila, Philippines – Hinimok ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers ang gobyerno na bumuo ng composite unit na magpapatrolya sa borders at shorelines ng bansa. Ito ay bunsod na rin ng nakakaalarma na balitang marami na ang nahuhuling containers ng cocaine sa ating mga shorelines. Ayon kay Barbers, dahil sa hindi binabantayan ang borders at napakalawak ng shorelines ng bansa, naging transhipment point ng illegal drugs ang bansa. Ibig sabihin, may ibang destinasyon talaga ang mga iligal na droga at itinatambak lang muna pansamantala sa ating shorelines dahil hindi naman cocaine-consuming country ang Pilipinas. Pero, nababahala ang kongresista na baka estratehiya na lamang din ito ng mga drug syndicates para pasukin at i-infiltrate ang shabu industry sa mas mababang presyo na cocaine. Dahil dito, hiniling ni Barbers ang pagkakaroon ng composite unit na magpapatrolya sa ating mga daungan at karagatan para silipin ang mga pinaghihinalaang cocaine shipment. Bubuuhin ang composite team ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at iba pang law enforcement agencies.
WAR ON DRUGS | Composite team na magbabantay sa mga borders at shorelines sa bansa, hiniling para mapigilan ang paglaganap ng cocaine sa bansa
Facebook Comments